Wednesday, June 24, 2015

Ang kwento ng nawawalang takip ng Flash Drive



Ang kwento ng nawawalang takip ng Flash Drive

(Base sa totoong pangyayari, Dec. 2011)


    Meron akong flash drive / usb halos apat na taon kunang gamit, malaki ang tulong nito sa akin. Ngunit noong ika-3 ng simbang gabi. Dala ko ang flash drive papuntang simbahan dahil dito nakalagay ang powerpoint presentation na gagamitin sa misa. Sumakay ako ng jeep at sa pagabot ko ng pamasahe hindi ko namalayang nahulog ang takip ng flash drive sa kinauupuan ko. Huli na ang lahat at nasa simbahan na ako at nang matapos, pag-uwi ko, doon ko lang nabatid na wala na ang takip ng flash drive ko, sa pagaakalang nawala ito sa simbahan. Nawalan na ng pantakip at proteksyon ang flash drive. At noong gabing iyon sa kawalan ng pag-asa, inisip kong hindi kuna matatagpuan ang nawalng takip.

    Subalit ng kinaumagahan, ika-3 ng misa de gallo, habang papunta sa simbahan, ang jeep na aking nasakyan ay ang jeep din na nasakyan ko noong gabi. At laking gulat ko na naroon ang nawawalang takip, sa eksaktong kinauupuan ko noong gabi, doon ko nabatid na nahulog iyon mula sa aking coin purse.

    Ang wierd o isang mysteryo ng muling pagkatagpo. Sa damidami ng mga jeep saamin, sa parehong jeep ako napasakay, noong gabi at ng madaling araw kinabukasan. Doon nawala at muli ddon ko din natagpuan ang nawawalang takip ng flash drive.



Mga Simbulo:
1. Ang jeep ay sumisimbulo sa paglalakbay ng buhay ng tao na may pagsubok.
2. At ang dalawang tampok sa kwento, ang USB/flash drive ay sumisimbulo sa tao at ang takip nito ay ang bagay na pumoprotekta sa kanya.



Reflection 1:
   Ang takip ng usb ay nagsisilbing proteksyon sa dumi o anumang panganib na dala ng kapaligiran na makakasira dito, Parang payong na proteksyon ng mga tao mula sa ulan. 
Ano ba ang pumoprotekta sa iyo? 
Kung ang proteksyong ito ay mawala ano ang gagawin mo? 
Paano kung hindi muna ito matagpuan pa? 
Maliban sa unang tanong, hindi muna kailangan pang sagutin ang dalawang huling tanong. 
Dahil ngayon palang at nabasa muna ang kwentong ito alam muna ang gagawin mo! 
Una, pahalagahan ang mga bagay na nasa paligid mo, lahat ng iyan ay may ginagampanan para sa iyong ikabubuti. Ika-dalawa, maging handa, mag-ingat ng hindi mawala ang mga bagay na mahalaga sayo. Hindi na kailangan mawala pa ang isang bagay para malamang ito'y mahalaga.



Reflection 2:
   Ang usb at ang takip nito na nawala at muling natagpuan ay maihahalintulad sa dalawang nagmamahalan, babae at lalake, na dumaan sa matinding pagsubok ng kanilang pagsasama na humantong sa pagkakahiwalay nila. Ngunit dumating ang panahon sila parin ang nagkatuluyan. Dahil sila ang tinadhana para sa isa't-isa. May ganon. ",) 

  

End

No comments:

Post a Comment